INANUNSYO ng Maynilad Water Services, Inc. na natapos na kaninang alas-2 ng madaling araw ang ginagawang pipe realignment sa Sobriedad, Maynila kayat inaasahang babalik na mamayang alas-4 ng hapon ang tubig sa mga apektado ng water interruption sa Metro Manila.
“Inaasahang mauumpisahan na ang pagdaloy ng tubig sa bagong pipe na ito mamayang 4 p.m.” sabi ng Maynilad sa isang advisory.
Kabilang sa apektado ng apat na araw na walang tubig ang mga lugar sa Maynila, Makati at Pasay.
“Patuloy ang deployment ng 69 Maynilad mobile water tankers para mag-deliver ng malinis na tubig. Available din ang 16 Stationary Water Tanks ng Maynilad sa ilang lugar,” dagdag ng Maynilad.
Milyong-milyong residente ang apektado ng apat na araw na water cutoff na nagsimula noong Oktubre 29, 2021.