Joker’ umatake sa Japan train, 17 sugatan

GINULANTANG ni “Joker” ang buong Japan matapos itong umatake sa loob ng isang tren sa Tokyo na ikinasugat ng 17 katao Linggo ng gabi.

Nakasuot ng ‘Joker’ na costume ang 24-anyos na lalaki at nakilalang si Kyota Hattori, nang pagsasaksakin nito ang mga pasahero ng tren.

Isang 70-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos masaksak sa dibdib pasado alas-8 ng gabi.

Sa panayam sa pulisya, sinabi umano ni Hattori na gusto niyang patayin ang mga tao at mahatulan siya ng kamatayan.

Gusto umanong gayahin ng suspek ang isa ring stabbing incident sa Odakyu Electric Railway commuter train sa Tokyo noong Agosto kung saan 10 sakay nito ang pinagsasaksak ng isang salarin.