HUMIHINGI na ng limos ang ilang tsuper at konduktor ng bus sa kanilang mga pasahero dahil kulang na umano ang kinikita para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya
Anila, nagsimula silang mawalan ng kita nang magkaroon ng libreng sakay para sa mga authorized persons outside of residence (APOR) ang mga EDSA carousel bus.
Ayon sa isang konduktor, limang linggo na umano silang gutom at kulang sa suporta mula sa gobyerno.
“Limang linggo na kaming ginugutom ng gobyerno kaya ngayon humihingi kami ng tulong-suporta at labag man sa kalooban namin ito, kapit na kami sa patalim,” ayon kay Philip Elequin, isang konduktor.
Ayon naman sa kasamahan ni Elequin na si Edmel Salisad, kailangan niya ng dagdag dahil buntis ang kanyang misis.
Kaya naman tinatiyaga ng dalawa na mamalimos mula sa kanilang mga pasahero lalo na ar wala rin sila umanong natatanggap na tulong mula sa kanilang kumpanya. A. Mae Rodriguez