SINIMULAN nang ipatupad ngayong araw, Huwebes, Mayo 12, ang dagdag toll sa Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at North Luzon Expressway (NLEX).
Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang hiling ng NLEx Corporation para magtaas ng singil sa toll.
Sinabi ng NLEX Corp. na tataas ng P2 ang toll fee para sa Class 1 vehicles o regular na sasakyan at mga SUVs, P6 para sa for Class 2 vehicles o mga bus at maliliit na trak habang P8 naman para sa Class 3 vehicles.
Para sa CAVITEX tataas ang toll fee ng P4.62 kada kilometro para sa Class 1 vehicles; P9.24 para sa Class 2; at P13.86 para sa Class 3 vehicles.
Nangangahulugan ito na magbabayad ang Class 1 vehicles ng P33 mula sa P25; P67 para sa Class 2 mula sa P50; at P100 para sa Class 3 mula sa P75.