Tirador ng community pantry lumutang, halos murahin ng netizens

LUMUTANG at nagpaliwanag sa Facebook ang isa sa mga residente ng Pasig na naaktuhan sa video na sinisimot ang mga produkto sa community pantry sa Brgy. Kapitolyo.


Pero imbes na maintindihan ng mga netizens ang ginawa ni Maricar Adriano, lalo lang nanggigil ang mga ito sa kanya. Siya ang nakita sa video na may bitbit na tray ng itlog.


Inamin ni Adriano, na mula sa Brgy. Pineda, na nilimas nila at ng kanyang mga kaibigan ang pantry pero ipinamigay umano nila ang iba sa kanilang kapitbahay. “Hindi po sa amin napunta ang lahat na iyan,” dagdag niya.


Inulan naman ng puna ang post na iyon ni Adriano mula sa mga netizens at ilan niyang kalugar.


“Mga taga PINEDA PASIG CITY pala kayo, tapos dumayo pa kayo sa KAPITOLYO PASIG CITY. Marami pa sigurong community pantry around Kapitolyo Pasig City or around the area ang nabiktima ng mga GARAPAL na babaeng to,” ayon sa isang Charles Carino.


Sabi naman ni John E. Ace: Kapitbahay namin yan may tindahan pa nga e.”


Ilan pa sa mga komento ng netizens ang nga sumusunod:
“Anu ka si robinhood? Nagnanakaw para sa mahihirap. Style mo bulok. Kumita na mga ganyang palusot.”


“Palusot mo na lang yan,matakaw ka sa itlog,gusto mo lagi umaga tanghali gabi nakaitlog ka.”


“Luka luka ka kung tlg gusto mo makatulong magtayo ka ng sarili mong community pantry hindi yun aagawan mo pa un mga nangangailangan style mo bulok.”


Mga Patay gutom lang ang peg Teh???


“Halatang halata sa mga Katawan nyo pagiging swapang nyo!!! Mabusog sana kayo at maging mahimbing tulog nyo hanggang di na kayo magising!”


Hindi naman nagpaawat si Adriano at sinagot ang isa sa mga bashers at tinakot na ipakukulam ito.


“Buntis kase ako! Huwag mo ko pagsalitaan ng hindi magnda… Good luck sayo ako hinamon mo tignan naten kung ano mangyyre sa iyo dahil sa mga snsbi mo humnap ka na ng albularyo mo.’