NAKAAMBA ang taas pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1 at LRT-2 matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang resolusyon mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagpapataw ng P2.29 dagdag singil sa boarding fare at P1.21 para sa karagdagang kada kilometro.
Ayon sa LTFRB,kailangan na lamang ng pirma mula sa iba pang miyembro ng board, kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic at Development Authority, Department of Public Works and Highways para maipatupad ang dagdag na pasahe.
Batay sa inaprubahang taas pasahe, magiging P13.29 na ang boarding fare mula sa kasalukuyang P11 samantalang tataas naman sa P1.21 ang kada kilometro mula sa kasalukuyang piso.
Huling itinaas ang pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 noong 2015.