SUMURENDER sa otoridad Miyerkules ng tanghali si Jose Antonio Sanvicente, ang driver ng SUV na nakasagasa sa security guard sa Mandaluyong noong isang linggo.
Kasama ni Sanvicente ang mga magulang at abogado nang sumuko sa Philippine National Police.
Sa press conference, humingi ng tawad ang suspek sa biktima na si Christian Joseph Floralde.
“My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. Floralde at sa kanyang pamilya,” aniya.
Paliwanag naman ng kanyang abogado, nataranta umano si Sanvicente kung kayat hindi niya natulungan ang biktima.
“Very apprehensive siya, natatakot siya, nag-panic in other words,” ayon sa abogadong si Danny Macalino.
Nahaharap si Sanvicente sa kasong frustrated murder habang tuluyan na siyang tinanggalan ng lisensiya para makapagmaneho ng Land Transportation Office.