IMPOSIBLENG maipasa ngayong taon ang panukalang nagsusulong ng mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa kakulangan sa oras, ayon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Gayunman, tiniyak ng senador na tuluyan itong maipapasa sa unang quarter ng papasok na taon.
Sa panukala, hindi lamang mga lalaki ang isasailalim sa mandatory ROTC kundi maging mga babae rin.
“Gender equality. You don’t want [women] considered the weaker sex. So, everyone. Let’s love our country. Let’s get together on this. If we’re attacked by an enemy, it’s not only men who would get hit by bullets. Even women will get hit by the bullets of the enemy. Let’s help defend our country,” pahayag ni Dela Rosa nang tanungin kung bakit dapat isama ang mga babae sa training.