PINAIIMBESTIGAHAN ni Justice Secretary Boying Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) ang paggamit ng fake stamps sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para madaling makaalis ng bansa.
“We’re already investigating that. We’re asking the NBI to investigate it,” aniya ni Remulla.
Sa pagdinig ng Senado noong Martes, ibinunyag ng isang biktima ng human trafficking na may mag-e-escort sa kanila sa paliparan at magpapabilis ng kanilang pag-alis gamit ang mga pekeng exit stamp para ma-bypass ang Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni alyas Paolo na siya ay na-recruit upang magtrabaho bilang isang customer service representative sa Thailand ngunit nalaman na siya ay ipapadala upang magtrabaho bilang isang scammer sa Myanmar.
Sinabi ni Remulla na ginagamit nila ang pagdinig bilang starting point.
“Well, ‘yung findings ng hearing pa rin ang aming— we’re making the starting point of the investigation because the hearings were very revealing as to the modus operandi,” ani Remulla.