NAGSAGAWA ng feeding program ang Paz Police Community Precinct sa Maynila para sa mga residente ng Paco ngayong Miyerkules.
Ayon sa pulisya, marami ang mga kapos-palad sa kanilang lugar kung kaya naman naisip nilang magbigay ng tulong lalo’t marami ang na-inspire sa pagkakawanggawa dahil sa community pantry na nagsimula sa Quezon City.
Lugaw at tinapay ang ibinigay sa mga residenteng maagang pumila para makakuha ng libreng pagkain.
Nasa 500 indibidwal ang target nilang pagsilbihan sa aktibidad at marami rin ang pumunta sa PCP.
Mahigpit din namang pinatutupad ng mga kapulisan ang minimum health standards sa kanilang feeding program upang maiwasan ang pagkalat ng virus lalo na’t nagdagsaan ang mga tao rito.