PNP OIC: SUV driver na sumagasa sa sekyu arestuhin

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police PNP (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na hulihin ang may-ari ng sport utility vehicle (SUV) na nakasagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City noong Hunyo 5.

“Ang sabi ko hulihin dahil it’s a continuing crime since day one. Huhulihin po yan kahit walang hold departure order,” ani Danao.

Nauna nang sinampahan ng kasong frustrated murder at pag-abandona sa sariling biktima ang suspek na si Jose Antonio San Vicente.

Ito ay matapos lumabas sa dashcam video na nasagasaan ng puting Toyota RAV 4 ang security guard na si Christian Floralde sa intersection sa harap ng isang mall sa Barangay Wack-Wack.

Batay sa pinakahuling impormasyon na natanggap ng PNP mula sa Bureau of Immigration (BI), sinabi ni Danao na hindi pa umaalis ng bansa si San Vicente

Ayon pa kay Danao, ang patuloy na di pagsuot ni San Vicente para harapin ang imbestigasyon ay nagpapahiwatig lamang na siya ang responsable sa hit-and-run.

“If you are the owner of the vehicle and you know you were not the one driving, definitely you will surface,” ayon kay Danao.