NAGBABALA sa publiko si National Police Chief General Guillermo Eleazar na mag-ingat sa paggamit ng mga dating app dahil posibleng magamit ang mga impormasyon dito sa krimen.
“Huwag mag-engage sa mga ganyan… kung mayroon kayong ka-chat o kausap doon na mako-compromise o magkakaroon kayo ng intimacy to the point na [iyong] private parts ay ipakita ninyo,” pahayag ni Eleazar.
Anya, ang mga impormasyon na naibigay sa kausap ay posibleng magamit para pang blackmail at extortion.
“Tandaan ninyo na ‘yan ay pwede maging basehan para i-blackmail kayo at papunta sa extortion,” paliwanag pa ng opisyal.