IGINIIT ng Philippine National Police (PNP) na isolated case lamang ang nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila University Linggo ng hapon kung saan tatlo ang nasawi at ilan pa ang nasugatan.
Sa isang press conference sinabi mi Quezon City Police Director PBGen. Remus Medina na paghihiganti ang naging motibo ng suspek na si Dr. Chao Tiao Yumul.
“We’d like to announce that this case is an isolated case. Nakita naman natin na sa mga revelation niya, meron siyang personal grudge sa biktima. Sana ay maging kalmado ang mga kababayan natin dahil bukas (Lunes) as isa sa pinakaimportanteng event na mangyayari,” sabi ni Medina.
Sinabi ni Medina na matagal nang pinlano ni Yumul ang krimen.
“Hopefully, wala pong ganitong insidente but rest assured na ang PNP ay nakahanda sa mga ganito scenario,” dagdag ni Medina.
Aniya, sumakay lamang ng TNVS si Yumul papasok ng Ateneo, at matapos ang krimen ay nang-agaw ito ng sasakyan para makatakas.
Idinagdag ni Medina na mismong ang taumbayan ang humabol kay Yumul matapos namang masagi ang mga nagmomotorsiklo.
Sinabi pa ni Medina na walang permanenteng address si Yumul sa Maynila, na taga Basilan.
Nakumpiska kay Medina ang dalawang baril at mga bala na ginamit sa krimen.