MATAPOS mawala sa ere ang Pilipinas nitong Bagong Taon, balik na sa normal ang operasyon sa mga airport, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
“Sa ngayon po, the operation in the whole country is already back to normal. Ibig pong sabihin niyan na gumagana na po ang lahat, at ang ating mga himpapawid ay nako-cover na ng ating radar at ng ating communication.,” pahayag ni CAAP Deputy Director General Edgardo Diaz sa isang press briefing.
Matatandaan na ilang daang flights ang nakansela, na-delay o na-divert habang aabot sa mahigit 56,000 pasahero ang naapektuhan ng technical glitch sa airport. Nitong Lunes, marami pa ring pasahero ang apektado.
Naniniwala si Diaz na hindi naman kontodo obsolete na ang Communications, Navigation, and Surveillance / Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng CAAP ngunit kailangan na itong i-upgrade.
“Maganda pa po ang performance niyan. Ang nangyari lang po ay nawalan tayo ng power, kaya po bumagsak ang kaniyang operation,” anya pa.
Nanindigan din si na nagkaroon ng problema sa suplay ng kuryente dahilan ng malawakang aberya.
“Maganda pa po ang performance niyan. Ang nangyari lang po ay nawalan tayo ng power, kaya po bumagsak ang kaniyang operation,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya na supisyente ang backup na dalawang uninterruptible power supply at palagian nilang sinusuri ang mga equipment.
“Wala pa po kaming full assessment ng kung ano po ang nangyari at nagkaroon po ng failure. Now, an investigation po at pag-aaral ay kasalukuyang ginagawa po ngayon,” dagdag pa niya.
Matatandaan na isang imbestigasyon ang ikinakasa ng Senado hinggil sa nasabing aberya.