LIGTAS ang pasahero na tumalon sa riles ng Light Rail Transit 1-Monumento Station ngayong umaga para salubungin ang paparating na tren, ani Light Rail Manila Corporation (LRMC) spokesperson Jacqueline Gorospe.
Pumailalim ng tren ang biktima at hindi nagulungan.
“Kaninang 4:40 a.m. po may pasahero tayong tumalon sa riles ng Monumento Station northbound dahil nangyari iyon, pansamantalang natigil ang operasyon ng LRT-1 from Blumentritt to Balintawak. Nag-resume na po ito as of 5:59 a.m. Natapos ‘yung incident response na ginawa,” ani Gorospe.
Buhay ang pasahero, dagdag ng opisyal.
“Yung passenger po is alive and conscious. Agad na agad naman itong nakuha sa tulong ng Caloocan medic ng Caloocan LGU, nakuha ang person sa ilalim ng tren. Right after few minutes after nag-resume ang operation. We got the clearance from the police,” dagdag ni Gorospe.
Aniya, walang palatandaan na itinulak ang pasahero.
“Ayon sa investigation, clear naman yung platform, it was the person’s choice,” dagdag ni Gorospe.
Aniya, full operation na ang 19 station ng LRT-1 mula Balintawak hanggang Baclaran.