School principal kinatay ng bagets

DEAD on the spot ang school principal makaraang pagsasaksakin ng binatilyo sa Mambusao, Capiz kamakailan.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek sa pagpatay kay Jun Mencedez, residente ng Brgy. Balat-an.

Sa presinto, labis-labis ang pagsisisi ng suspek sa nagawa, pero hindi naman nito isiniwalat ang nagtulak sa kanya na gawin ang krimen.

Napag-alaman na ilang beses nang nakapunta sa bahay ni Mencedez ang suspek para makipag-inuman sa isa pa nilang kaibigan.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang kaso habang nasa pangangalaga ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang suspek.