MATAPOS kumalat ang balita na nahaharap sa posibleng terror attack ang bansa, hinikayat ng Palasyo ang publiko na maging mapagmasid sa kapaligiran at i-report ang mga kahina-hinalang galaw ng mga tao lalo na sa mga pampublikong lugar.
“Please inform the authorities if you notice suspicious personalities or objects, especially in public places,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang briefing nitong Huwebes.
Iginiit din nito na nakahanda ang gobyerno sa anumang posibleng pag-atake lalo pa’t naka-heightened alert na ang buong bansa simula pa noong 2017 nang maganap ang Marawi siege.
“We are already under heightened alert since the incident in Marawi. We are thankful for the information, but we will only beef up our preparedness to face possible terror attacks,” dagdag pa ni Roque.
“Our police and military are ready and we also ask for the cooperation of the public,” anya pa.
Kamakailan ay kinumpirma ng Japanese embassy na nakatanggap ito ng impormasyon na may posibleng pag-atakeng gawin sa Pilipinas at iba pang bansa gaya ng Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at Myanmar.