NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa mga magpapartner laban sa human immunodeficiency virus (HIV) sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.
“Protect yourself. There are other illnesses you can acquire if you are not cautious. And one of them is HIV,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Tiniyak niya sa publiko na sa kabila ng pagtutok ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, patuloy na tinutugunan ng DOH ang iba pang mga sakit na nakakaapekto sa mga Pilipino.
Pinaalalahanan din ni Vergeire ang publiko tungkol sa #AwraSafely, ang kampanya ng DOH at iba pang nongovernmental organizations na isulong ang kamalayan sa HIV gayundin ang mga magagamit na serbisyo para sa People Living with HIV sa bansa.
Ang “Awra,” isang malikhaing bersyon ng salitang Ingles na “aura,” ay isang salitang pinasikat sa kulturang gay ng mga Pilipino, na ang ibig sabihin ay makaakit ng atensyon, o ipakilala ang presensya ng isang tao.