UMABOT na sa P8.45 bilyon ayuda ang naipamigay ng pamahalaan sa National Capital Region, na naapektuhan sa pinakahuling lockdown.
Ito ay 75.28 porsyento ng aktuwal na P16.29 bilyon ayuda na inilaan para sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Interior and Local Government.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, umaasa siyang makukumpleto ang pamamahagi ng ayuda hanggang Mayo 15.
Dagdag niya, ilang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang malapit nang makumpleto ang pagdi-distribute ng ayuda sa kanilang mga constituents.
Sa ulat mula Abril 6 hanggang 29, may 8,410,659 benepisyaryo na ang tumanggap ng ayuda.
Ang lungsod ng Caloocan ang halos matatapos na ang pamumudmod ng ayuda, ayon pa sa report, na sinundan ng Quezon City at Mandaluyong.