SINABI ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa P78.9 milyon na smuggled na sibuyas at iba ang agricultural product ang nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP) mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 5, 2023.
Idinagdag ng DA na noong Disyembre 27, 2022, umabot sa P25.3 milyon na smuggled na pula at puting sibuyas ang nadiskubre sa loob ng tatlong container vans.
Samantala, tinatayang P27.8 milyon halaga ng smuggled na puti at pulang sibuyas, frozen pork stomach pouch cuts, at frozen boneless beef shanks ang nakuha sa loob ng limang container vans noong Enero 3, 2023.
Noong Enero 4, 2023, karagdagang P23.58 milyon halaga ng smuggled na pulang sibuyas ang natagpuan nama nsa loob ng tatlong container van.
Nitong Enero 5, 2023, aabot naman sa P2.2 milyong smuggled na carrots ang nakuha sa loob ng isang container van sa MICP.