SUMIRIT sa P30 kada kilo ang idinagdag sa presyo ng mga meat products sa Metro Manila.
Mula sa dating P330/kilo, nasa P360 na ang presyo ng kasim habang ang liempo ay nasa P410/kilo mula sa dating P380. Tumaas din ang presyo ng kada kilo ng manok sa P210 mula sa P200.
Paliwanag ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines, ang pagtaas sa presyo ay bunsod ng kakulangan sa supply sa harap ng patuloy na banta ng African swine fever sa bansa.
Inaasahan namang lalo pang tataas ang presyo ng mga meat products pagdating ng mga “ber months” dahil marami na ang naghahanda para sa Pasko at Bagong Taon.