P2.2M shabu kumpiskado sa 12 suspek

Tinatayang P2.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam habang 12 suspek ang dinakip sa isinagawang mga operasyon ng pulista nitong Huwebes.

Unang nadakip ay isang alias Monica na nasakote alas 4:20 ng hapon sa Almeda street, Tondo, Maynila.

Nakuha mula sa suspek ang may P1.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu at pagkakaaresto rin ng anim na iba pang suspek.

Nakilala ang mga ito na sina Ma. Luz Ocampo, Eric Dela Cruz, Rona Baclayo, Laila Sultan, Asliah Abdullatip, at Asnawie Usman Sa Marikikin, limang drug suspect din ang inaresto sa isang operasyon alas 3 ng hapon ng MIyerkules sa Blk 55 Pipino St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Nakilala ang mga ito na sina Jarus Basulgan, Mathew Justine Banzil, Marvin Bratteng, Raymark Ramos at Jomar Borre.

Nakuha sa kanila ang halos P500,000 halaga ng hinihinalang shabu. Sa Taguig City, inaresto naman ang mga suspek na sina John Pineda at Ryand Dave Salingan sa Bicutan, Pasig, habang nasa gitna ng buy bust operation.

Mahigit P300,000 shabu naman ang nakumpisak sa mga ito. Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong kriminal.