UMABOT sa 160 kilong pingahihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P 1.088 bilyon ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City Martes.
Dalawang suspek ang inaresto sa gitna ng operasyon na nangyari alas 3:30 ng hapon sa barangay Karuhatan. Ang dalawa ay nakilalang sina Tianzhu Lyu, ng Fujian, China at ang Pilipino nitong kasama na si Meliza Villanueva ng Tarlac.
Inaresto ang dalawa habang nagbebenta ng shabu sa undercover agent.
Ang pagkakasamsam ng nasabing malaking bulto ng shabu ay resulta ng serye ng operasyon ng pulisya simula nitong Marso 1 sa Cavite, Bulacan at Negros Occidental na nauwi rin sa pagkakasamsam ng mahigit sa P57 milyon halaga ng shabu at pagkakaaresto ng ilang katao.