HINDI na ibebenta ang P170 kada kilong sibuyas sa Kadiwan store simula ngayong Biyernes, Enero 13, 2023.
Ginawa ng Department of Agriculture ang hakbang matapos simulan ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay ng ulat na binili ng DA ang mga sibuyas sa isang farmers cooperative sa halagang P537 kada kilo at ibinebenta sa P170 kada kilo.
Nauna nang binigyan ng Ombudsman ang DA ng tatlong araw para magpaliwanag sa gagawing importasyon ng sibuyas at ang kasunduan sa farmer cooperative.
“You are hereby directed to submit within a non-extendible period of three days from receipt hereof your sworn comment together with corresponding supporting documents explaining clearly the reasons why there is an alleged shortage of supply of onions; why onions were purchased from a multipurpose cooperative and allegedly at a price of P537 and the Department of Agriculture proposes to import onions despite the approaching harvest season of onions by local farmers,” sabi ng Ombudsman.