Tumataginting na P14.7 bilyon ang nawawala sa gobyerno kada linggo dahil sa implementasyon ng modified enhanced community quarantine.
Ito ay ayon kay National Economic and Development Authority Director General at Socio Economic Planning Acting Secretary Karl Kendrick Chua.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, iniulat ni Chua na ito’y bukod pa sa P19.6 bilyong nawala kada linggo matapos ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa noong 29 March hanggang 11 Abril.
“So total po dahil two weeks na po ‘yong ating ECQ at may madadagdag pa na almost three weeks na MECQ, so total of almost 5 weeks, ang epekto po sa ating tao ay 83.3 billion peso in foregone wages,” sabi ni Chua.