INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na magpapatupad ng P125 suggested retail price (SRP) sa sibuyas matapos mabigong mapababa ang presyo nito sa palengke sa kabila ng ginawang pag-aangkat ng bansa.
Sa isang panayam sa radyo, nagpaabot din ng mensahe si Agriculture deputy spokesperson Rex Estoperez sa mga mamimili.
“Hintay-hintay lang po tayo nang konti,” sabi ni Estoperez.
Idinagdag ni Estoperez na inaasahang ipatutupad ang P125 SRP ng sibuyas sa susunod na mga araw.
“Kung kailangan naming ng SRP na P125 as proposed, yung ating merkado pababantayan natin sa mga market masters, at saka si (Assistant Secretary James) Asec Layug, mag-ooperate po, hindi bumababa. Asan na yung inimport natin at saka asan na yung sinasabi nating may supply mula sa peak season, so mukhang hindi nagkakatugma sa suplay ng sibuyas ngayon sa ating mga merkado,” dagdag ni Estoperez.