HINILING ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Department of Labor and Employment na itaas ang minimum wage sa Metro Manila sa P1,007 kada araw mula sa kasalukuyang P537.
Sa petisyon na inihain sa DoLE Lunes ng umaga, naniniwala ang TUCP na kailangan nang itaas ang sweldo ng mga private sector workers sa National Capital Region dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Bilang batayan sa pagsusulong wage hike, tinukoy ng TUCP ang pag-aaral ng Ateneo Policy Center na nagsasabi na ang food requirement ng isang pamilya ng apat katao ay nasa P734 kada araw; P917.50 naman kung lima ang miyembro ng isang mag-anak, o P61.17 kada isang meal kada katao.
“That there is a compelling need to bridge the huge gap. The current minimum daily wage of P537.00 can only accord workers and their families ‘nutritionally deficient survival meals,’ which if continuously unaddressed an army of undernourished Filipino workers will have greater repercussions in the future of the country and of the economy,” ayon sa petisyon.
Samantala, hiling naman ng isa pang grupo ng mga workers, ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino, ang humihiling ng P750 minimum wage para sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.