MAGPAPATUPAD muli ang mga kompanya ng langis ng taas presyo sa produktong petrolyo epektibo alas-12 ng hatinggabi ng Martes, Abril 26.
Base sa abiso, tataas ng P4.10 kada litro ang diesel, P3 kada litro naman sa gasolina, at P3.50 kada litro sa kerosene.
Sinabi naman ni Department of Energy (DoE) Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. na nasa susunod na Kongreso na ang desisyon kung aamyendahan ang Oil Deregulation Law sa harap naman ng mga panawagan na isuspinde ang implementasyon nito.