Mamiss kaya siya ng publiko? Kris Aquino one year mawawala sa Pinas

SA mga susunod na araw ay aalis na ng Pilipinas si Kris Aquino para pansamantalang manirahan sa ibang bansa at magpagamot.

Ito ang ibinunyag ni Kris sa birthday greeting niya kay Asia’s Songbird Regine Velasquez.

“Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming,” chika ni Kris.

Nagpasalamat naman siya kay Regine at sa asawa nitong si Ogie Alcasid sa palaging pangangamusta sa kanya.

“Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako,” dagdag ni Kris.

Kamakailan ay na-diagnose si Kris na may erosive gastritis at gastric ulcer sa ibabaw ng kanyang autoimmune disease.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, dumalo si Kris sa isang campaign rally na ginanap sa Tarlac noong Marso 23 kung saan inendorso niya ang kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.