INIUTOS ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation na ihinto ang mga operasyon nito laban sa mga Philippine offshore gaming operators (Pogos) dahil umano sa nangyayaring “hulidap”.
“I told (NBI officer in charge) Director (Medardo) De Lemos to stop everybody from operating on Pogos because we are getting a very bad reputation on the matter,” ayon kay Remulla nitong Huwebes.
Ayon sa kalihim, marami umano siyang natatanggap na report tungkol sa mga iregularidad na isinasagawang operasyon laban sa mga POGO, at isa na rito ang extortion o hulidap.
Hindi naman tinukoy ni Remulla kung merong mga matataas na opisyal ng NBI ang sangkot sa mga iregulardiad.
Samantala, bukod umano sa hulidap, marami ring kaso laban sa mga POGO workers, gaya ng insidente ng kidnapping for ransom.
“They kidnap each other, they sue each other at the DOJ, but they (agree to) settle later on. So we are just wasting our time. We just get involved in their intramurals… so we have to stop it. We would only act if there is really a police matter that is necessary for us to work on,” ani Remulla.