SINAMPAHAN ng kasong qualified theft ng media personality na si Anthony Taberna ang kanyang dating tauhan at isang bank manager na nagkuntsabahan umano para makapagdispalko ng P15 milyon mula sa kanyang kumpanya.
Sa 11-pahinang reklamo na kanyang inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office, sinabi ni Taberna na nakipagsabwatan si Ernie Patrick Aquino, dating finance at administrative head ng A. Taberna Foods, kay bank branch manager Gualberto Baluyot II para mailipat ang P15.38 milyon sa account ni Aquino mula sa account ng kumpanya.
Ayon kay Taberna, nadiskubre niya ang krimen noong nakaraang Nobyembre nang magtalbugan ang mga tsekeng inisyu ng kumpanya.
Sa isinagawang audit ay lumabas na nagawang makapagbukas ni Aquino ng pitong accounts para sa iba’t-ibang sangay ng Ka Tunying’s Cafe ni Taberna nang walang pahintulot ng board.
“Based on the examinations of bank accounts, a total of 175 unauthorized transfers were made from these corporate bank accounts to personal accounts of respondent Aquino in the total amount of PhP 15,381,644.09,” ani Taberna.
“Notably, all these unauthorized transfers were confirmed by respondent Aquino as the approver.”