MMDA: Shopping mall balik na sa normal iskedyul simula ngayong Dis. 23

SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na balik na sa normal na oras ng operasyon ang mga mall sa Metro Manila simula ngayong araw, Disyembre 23, 2022.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na nagsimula nang lumuwag ang daloy ng trapiko bunsod ng mga aktibidad dulot ng kapaskuhan.

“Thus, foregoing considered, shopping malls in Metro Manila may now begin operation as early as 9 a.m. starting December 23, 2022,” sabi ni Artes sa isang memorandum circular na inisyu sa mga operator ng shopping mall.

Aniya, layunin ng kautusan na bigyan ang publiko ng mas maraming oras para sa last-minute Christmas shopping.

Matatandaang ipinatupad ng MMDA ang bagong para ng mga mall mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi dahil simula Nobyembre 14, 2022 dahil na rin sa bigay ng daloy ng trapiko na nararanasan sa Kalakhang Maynila.