NAGSORI si Pangulong Bongbong Marcos sa nangyaring technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon kung saan umabot sa 64,000 pasahero ang naapektuhan.
“So now, I’m sorry. We, of course, we have to apologize to our kababayans who, especially those who came from abroad dahil limitado ang kanilang bakasyon. Nawala yung dalawa, tatlong araw eh. Alam naman natin, very valuable sa Pilipino ‘yung Christmas holiday. Kaya’t kami’y humihingi ng inyong paumanhin. Ngunit gagawin namin ang lahat na hindi na maulit ito,” sabi ni Marcos sa ambush interview matapos na mag-inspeksyon sa NAIA.
Idinagdag ni Marcos na inatasan niya si Transportation Secretary Bautista na pabilisin ang proseso para mabili ang kinakailangan para magkaroon ng backup para hindi na mangyari ang insidente.
“Ang sinabi ko lang kay Sec. Jimmy is to make sure that we fast-track whatever negotiations we have with with the equipment suppliers who can help us with the upgrades, who can help us with the upgrades for the software and the hardware of our equipment,” aniya.