UMABOT na sa mahigit tatlong milyon ang nakapagparehistro ng kanilang SIM card sa dalawang magkasunod na araw.
Sa tala ng National Telecommunications Commission (NTC), sinabi ni Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan na may 500,000 subscribers ng DITO ang nagparehistor habang mahigit tig-isang milyon naman ang nagparehistro ng kanilang Smart at Globe na SIM card.
Sinabi ni Salvahan na patuloy ang isinasagawang monitoring ng isinasagawang SIM card registration na opisyal na nagsimula noong Disyembre 27. Isang task force anya ang tumututok sa mga telcos at subscribers.
Ayon pa sa opisyal, kailangan mag-report ng mga telcos kada araw sa loob ng unang pitong araw ng registration.
May 180 araw ang mga susbcribers para maipatala ang kanilang SIM cards.
Umaasa ang NTC na aabot sa 160 hanggang 180 milyong active SIM cards ang maiparerehistro.