INIHAYAG ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipatutupad ang Yellow Alert at Red Alert sa Luzon Grid matapos na anim na planta ang magpapatupad ng forced outage.
Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na itataas ang Yellow Alery mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.
Samantala, mararanasan naman ang Red Alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
“Six power plants are on forced outage, while three others are running on derated capacities, for a total of 2,648MW unavailable to the grid,” sabi ng NGCP.
Idinagdag ng NGCP na aabot lamang ang kapasidad ng suplay ng kuryente sa 10,708MW samantalang aabot ang peak demand sa 10,246MW.