INAPRUBAHAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P11 minimum na pasahe sa jeepney.
Sa ipinalabas na kautusan ngayong Miyerkules, 29 Hunyo 2022, sinabi ng LTFRB na madadagdagan ng P1 ang kasalukuyang P10 provisional fare na nauna nang ipinatupad.
“For traditional public utility jeepney (PUJ) nationwide across all regions are authorized to provisionally increase fare in the amount of one peso from the provisionally authorized fare of ten pesos for the first four kilometers, but no increase in the succeeding kilometers,” sabi ng LTFRB.
Epektibo ang kautusan kapag nalathala na ito sa pahayagan.
“No increase of rate and revision of fare matrix shall be imposed and collected,” ayon pa sa LTFRB.