INIHAYAG ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong Linggo na magbubukas na muli ang Light Rail Transit 1 (LRT-1) Roosevelt Station simula bukas, Disyembre 5, 2022 matapos ang mahigit dalawang taon na pagsasara nito.
“Matapos ang successful series of readiness tests, trial runs, station maintenance works at operational exercises na isinagawa ng LRMC sa buong linya ng #LRT1 nitong Sabado (03 Dec 2022) at Linggo (04 Dec 2022), ready na sa MULING PAGBUBUKAS para sa commercial operations ang LRT-1 Roosevelt Station,” sabi ng LRMC sa Facebook post.
Natigil ang operasyon ng LRT-1 mula Sabado (Disyembre 3) Disyembre 4 (Linggo) bilang paghahanda sa pagbubukas muli ng Roosevelt Station.
“Mark your calendars, mga ka-riles! December 5, 2022! BUKAS NA! First trip from LRT-1 Baclaran Station and LRT-1 Roosevelt Station is at 4:30AM,” ayon pa sa pamunuan ng LRT-1.