BUMABA ang naitalang krimen o “index crimes” ngayong taon, pero dumami naman ang bilang ng mga insidente ng nakawan.
Ayon sa Philippine National Police, mula noong January 1 hanggang November 13 ay umabot sa 34,050 ang index crimes na kanilang nairekord.
Mas mababa ito kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
Malaki ang ibinaba ng krimen sa Luzon na nasa 0.85% o 171 incidents, 6.85% o 522 incidents sa Visayas, at 3.27% o 239 incidents sa Mindanao.
Kabilang sa mga kumonti na krimen ang murder, homicide, physical injury, rape, at car theft.
Pero iniulat ng PNP na tumaas ang naitalang bilang ng “theft and robbery” o mga kaso ng pagnanakaw.
Umakyat ang bilang ng theft report ng 9.19% o 11,295 kumpara noong nakaraang taon na nasa 10,344.
Ang robbery report naman ay umabot na sa 4,331 o mas mataas ng 0.30% kumpara noong isang taon na nasa 4,318.