NAGING emosyonal si Manila Mayor Isko Moreno sa turnover ng mga housing units sa mga mahihirap na Manileño nitong Lunes.
Makikita si Isko na nagpapahid ng luha sa inagurasyon ng Tondominium I sa Vitas, Tondo, kung saan siya ipinanganak at lumaki.
“Sa araw-araw na pamumuhay mo bilang squatter, binabagabag ka kung ‘yung bahay mo, galing ka sa eskuwela bilang bata, kung nakatirik pa pagbalik mo dahil ‘yung lupa, hindi inyo.
“Ang mga karanasang ito ay isang takot ng bawat tao, pangamba ng bawat tao.
“Nangarap din ako nang sariling mauuwian, umulan o bumagyo, magkaroon ng delubyo, magdildil man kami ng asin, at least yung bahay ay amin,” aniya sa kanyang talumpati.