Chito Miranda niregaluhan ni Neri ng yate

NAPA-WOW ang publiko sa bonggang regalo ng actress-entrepreneur na si Neri Naig sa kaarawan ng asawa niyang si Chito Miranda.

Ipinost ni Neri sa Instagram ang pics ng interior at exterior ng yate.

Caption niya: “Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!

“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!

“Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!

“Anong name ng yate? Syempre, ‘Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko.”