SINABI ng isang opisyal ng Department of Agriculture na inaasahang ibebenta na sa palengke ang mga imported na sibuyas matapos namang dumating ang unang batch sa 5,000 metric tons ma inangkat.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni DA Bureau of Plant Industry Information Section officer in charge Jose Diego Roxas na isinasailalim na lamang sa pagsusuri ang mga dumating na sibuyas.
“Ayon po sa latest information na nakalap ko, nasa 218 metric tons ng dilaw na sibuyas o ng puting sibuyas at 370 metric tons ng pulang sibuyas iyong nasa cold storage na at kasalukuyan siyang nakasalang sa second border inspection,” sabi ni Roxas.
Aniya, kailangang pumasok lahat ang 5,000 metric tons na inangkat na sibuyas sa Biyernes.
“Inaasahan natin na within this week po, maaari na po nating mabili iyong mga sibuyas na pumasok po dito,” aniya.