INIIMBESTIGAHAN na ng Far Eastern University High School ang mga reklamong sexual harassment laban sa kanilang mga guro.
Kahapon ay naging trending topic sa Twitter ang #FEUHSDoBetter matapos isiwalat ng mga estudyante, kabilang ang ilang alumni, ang naranasan nilang pang-aabuso mula sa kanilang mga teacher.
Naghihimutok din ang mga mag-aaral dahil umano sa kawalang aksyon ng paaralan laban sa mga salarin kahit pa may ilang biktima na ang lumutang.
“The school administration takes these claims seriously and condemns such acts in the strongest terms,” ayon sa kalatas ng FEUHS.
Umapela rin ang school administration sa mga biktima na iulat ang kanilang reklamo sa kanilang Human Resources Office.
“We assure the FEU High School Community that this matter is one that we take very seriously and all efforts are being made to maintain a safe school environment free from any gender-based sexual harassment,” dagdag ng paaralan.