ITINAAS na sa P5 bilyon mula sa P2.5 bilyon ang fuel subsidy para sa mga pampublikong sasakyan sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Director General at Socio economic Planning Secretary Kendrick Chua na ibibigay ang unang tranche ngayong Marso at ang second tranche ay sa Abril.
Idinagdag ni Chua na nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan aa mga kompanya ng langis para sa pagbibigay ng diskwento para sa mga jeepney at iba pang public utility vehicles (PUVs) mula P1 hanggang P4.
“So this will help alleviate additional for the jeepneys and the other PUVs,” aniya.
Ayon pa kay Chua target din ng gobyernong magbigay ng karagdagang fuel vouchers mula P500 milyon hanggang P1.5 bilyon para sa mga agricultural producers.
Nauna nang nagpetisyon ang mga transport group ng mga P15 taas pasahe.