Ex-PNP chief tumanggap ng bribe money para makalabas ng bansa si Guo

ISA umanong dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang tumanggap ng bribe money para tulungan makalabas ng bansa ang nadismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at kanyang mga kapatid.

Ito ang rebelasyon na lumabas sa pagpapatuloy na pagdinig sa Senado hinggil sa kontrobersyal na isyu ng Philippine offshore gaming operators (Pogos) ngayong Martes nang usisain ni Senador Risa Hontiveros ang mga police officials tungkol sa intelligence report na isang dating hepe ng PNP ang tumanggap ng P200 milyong bribe.

Nang tanungin ni Hontiveros hinggil sa intelligence report na kung meron pang ibang mga personalidad ang tumanggap ng bribe, sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Senior Vice President of Security and Monitoring Cluster Retired General Raul Villanueva na meron nga silang natanggap na impormasyon na isang dating hepe ng PNP ang tumanggap ng pera.

“Di ko lang alam ‘yong sa exact amount including PNP officials. I cannot confirm because I’m outside of the loop, lately. And we’re busy right now helping the law enforcement agencies running after the illegal Pogos in the countryside or in the provinces,” sabi pa ni Villanueva.

Tinanong din ng senador kung anong assistance ang ibinigay ng PNP para kay Guo. Ayon kay Villanueva hindi niya makumpirma pa ang impormasyon

“I don’t know kung anong exact aid ang sinupport but hindi pa naconfirm ‘yan kung nagbigay, nabigyan o tinanggap or may witnesses. ‘Yon lang po ang naririnig namin sa intelligence community. I’m out of the loop lately, di ko rin maconfirm,” ani Villanueva.

Dagdag pa nito, hindi niya rin alam kung sino ang ex-PNP chief na tinutukoy.

One Comment on “Ex-PNP chief tumanggap ng bribe money para makalabas ng bansa si Guo”

Comments are closed.