Endangered plants kumpiskado

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 276 critically endagered plants sa isang warehouse sa Pasay City.


Ayon sa DENR, in-smuggle mula sa Netherlands ang mga carnivorous plants na nagkakahalaga ng P150,000.


Dumating sa bansa ang mga halaman na Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, at Cephalotus nitong Lunes, sabi naman ng Bureau of Customs.


Wala umanong sanitary at import clearance mula sa DENR ang mga halaman, na nakalagay sa 10 packages.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9147 o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang nagpadala at pinadalhan ng mga halaman, dagdag ng BoC.


Nahaharap din sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang nagpadala.


Hindi naman kinilala ng BoC ang nagpadala at pinadalhan ng mga endangered na halaman.