HINDI na papayagan bumiyahe ang mga e-bike sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila simula sa Abril 15, 2024, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.
Ang lalabag rito ay pagmumultahin ng P2,500 habang ii-impound ang e-bike sa sandaling walang maipakita na lisensiya ang driver nito.
Tinukoy ni Artes ang mga lansangan na hindi pwedeng daanan ng mga e-bike:
Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa)
C.M. Recto Avenue, Manila
President Quirino Avenue, Manila
Araneta Avenue, QC
Katipunan/C.P. Garcia, QC
Southeast Metro Manila Expressway
Roxas Boulevard, Manila / Pasay / Paranaque
Taft Avenue, Manila / Pasay
Osmeña Highway (South Superhighway)
Shaw Boulevard, Mandaluyong / Pasig
Ortigas Avenue, Mandaluyong / Pasig
Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard, QC / Manila
Quezon Avenue/Commonwealth Avenue, QC
A.Bonifacio Avenue, Manila, QC
Rizal Avenue, Manila
Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road, QC
Mindanao Avenue, QC
Marcos Highway
Ilalabas ang implementing rules and regulation bago mag Abril 15, dagdag pa ng opisyal.