MULING Dinepensahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P500 Noche Buena price guide matapis itong umani ng puna sa publiko na nagsasabi na hindi sapat ang halagang ito para sa isang pamilyang Pilipino dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Umapela si DTI Undersecretary Ruth Castelo para sa pang-unawa ng publiko, at sinabing ito ay isang “sincere effort” ng ahensya.
“Marami po talagang nagbatikos, na sana naiintindihan nila, sana hindi nila tinake as insulto or panloloko. Sana po hindi ganoon because it is a sincere effort on the part of DTI consumer protection na bigyan natin ng advice ang consumers, ang mga mamimili at kami rin po ang nakakakita sa ground dahil kami nga ang nagmo-monitor at nage-enforce. Alam namin ang nangyayari at alam natin kung gaano na hindi po lahat ng tao ay sagana,” ayon kay Castelo.
Sinabi ni Castelo na ang departamento ay naglalabas ng price guide ng Noche Buena bawat taon upang matulungan ang mga mamimili sa kanilang mga pagpipilian ng mga produkto para sa panahon ng Pasko.
Sinabi niya na pinayuhan din ng mga manufacturer ng Noche Buena products ang DTI kung kailan sila magtataas ng presyo.
“That is why noong hindi pa tayo naglalabas ng Noche Buena price guide pero nag-advise tayo sa consumers na magsimula na tayo mamili medyo naging controversial,” aniya ng opisyal.