DOTR, LTFRB, KAPIT-BISIG SA PAGPAPATUPAD NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM PHASE II

NAGKAPIT-BISIG ang Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa liderato ni Chairman Martin B. Delgra III, sa muling paglulunsad ng Phase II ng Service Contracting Program noong Biyernes, ika-10 ng Setyembre.

Kalakip ng programang ito, na may nakalaang pondo galing sa GAA 2021, ang muli ring pagbuhay ng Libreng Sakay Program para sa mga health care workers, medical frontliners, at APORs, simula ika-13 ng Setyembre.

“Ginagawa po natin ang mga ito dahil ang Kagawaran ng Transportasyon ay naniniwala na ang Service Contracting ay hindi lamang pang-hanapbuhay ng tsuper at operator. Ito po ay kaakibat sa paghahanap-buhay ng mga pasahero at iba pa nating kababayan, lalo ngayong tayo ay nasa gitna ng pandemya,” pahayag ni Tugade.

Sa ilalim ng Service Contracting Program, makakatanggap ang PUV operators ng incentives base sa bilang ng trip na kanilang itinakbo at nakumpleto kada linggo, may sakay man sila o wala.

Siniguro naman ni Chairman Martin Delgra III na patuloy na isusulong ng LTFRB ang kanilang mandato para mabigyan ng ginhawa ang mga tsuper, operator, at pasahero.

“The LTFRB, together with the DOTr, is dedicated to providing sustainable livelihood to the operators, drivers, and to deliver efficient, reliable, safe, and quality public transport for the commuters,” ani Chairman Delgra.

“Patuloy nating i-re-reassure ang DOTr at LTFRB, at ang ating mga stakeholders, na buo po ang suporta ng Department of Budget and Management sa ating adhikaing ito, na makapagbigay ng libre at ligtas na transportasyon para sa ating mga kababayan lalo na po sa panahon ng pandemya,” pahayag ni DBM Undersecretary Kim De Leon.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Landbank of the Philippines President and CEO Cecilia Borromeo sa DOTr at sa LTFRB sa pagkakataong maging bahagi ng Service Contracting Program at makatulong sa mga operator at driver.

“We thank the DOTr and LTFRB for this another opportunity for Landbank to take part in continuing efforts to advance the country’s transportation sector. We welcome this collaboration to deliver financial assistance to PUV operators nationwide towards ensuring pay and uninterrupted operations of public transportation in the new normal,” pahayag ni Borromeo.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa Service Contracting Program, regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page.

Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office – (02) 8529 – 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.

Post from LTFRB Facebook Page