BUKAS umano si Manila Mayor Isko Moreno sa ideya na gawing vaccination site ang Dolomite beach sa Manila Bay.
Pero aniya, dapat patapusin muna ang konstruksyon dito at siguraduhing ligtas ito sa publiko.
“Kung feasible, bakit hindi? That’s a very good idea. Tapos na ba ‘yung construction nila, safe ba sa mga tao? ‘Yun naman ang concern natin palagi eh, ‘yung safety ng mga tao,” ayon kay Moreno.
“Pansinin niyo, kapag pumipili tayo ng lugar, secluded halos lagi ‘yung mga lugar. Geographically feasible sa gagawing function doon sa particular na action plan, Pero okay ‘yun, bakunahan sa dolomite,” dagdag pa niya.
Muli namang nanawagan ang alkalde sa publiko na magpabakuna na para na rin sa kaligtasan ng bawat indibidwal.