NATUTUWA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa kinahinatnan ng kaso ng kanyang anak matapos ibasura ng Las Piñas Regional Trial Court ang illegal drug possession case laban dito.
“He had the right to be presumed innocent in the first place, I am just glad justice is served,” ayon kay Remulla nitong Biyernes.
Dinakip ang anak ng opisyal na si Juanito Jose Remulla III noong Oktubre 2022 matapos mahulihan ng 900 gramo ng hig-grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.
Sa desisyon ng korte, sinabi nito na kulang sa sapat na ebidensiya na nagpapatunay na ang nasabing droga ay sa nakababatang Remulla.
Sabi pa ng Justice secretary na hindi pa rin niya nakakausap ang kanyang anak, natutuwa anya siya sa nangyaring pagpapawalang-sala rito.
Iginiit din ni Remulla na hindi siya nakialam sa proseso.
“I wish my son further redemption in the future,” dagdag pa nito.